Isang babaeng ilang araw nang nawawala sa Indonesia ang natagpuan sa loob ng tiyan ng sawa, ayon sa ulat ng State of the Nation nitong Miyerkules.

May habang 22 talampakan ang sawa, na nakitang may malaking umbok sa tiyan.

Nang buksan ang sawa, tumambad ang bangkay ng 54-taon gulang na biktima.

Dalawang araw na raw pinaghahanap ng kaniyang mga kaanak ang babae matapos magpaalam na pupunta sa rubber plantation.

Ayon sa mga residente, dati nang nakakita ng mas mahaba pang giant reticulated python sa lugar. Tinangka raw itong hulihin pero hindi sila nagtagumpay.  —KBK, GMA News