Himalang nakaligtas ang tatlong workers sa isang construction site mula sa biglang pagsalpok ng truck sa lugar na kanilang pinagtatrabahuhan sa Istanbul, Turkey.

Makikita sa video na ipinalabas sa Unang Balita nitong Miyerkules ang biglang pagsalpok ng truck sa construction site kung saan nagtatrabaho ang tatlong workers.

Makikita ding sumampa ang isa sa kanila sa barrier at nagpagulong-gulong pababa. Gumulong din pababa ang dalawa pang manggagawa.

Mabuti na lamang umano at hindi napuruhan ang tatlong workers at nakaligtas sila, at minor injuries lamang ang kanilang tinamo.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang dahilan ng pagkawala ng kontrol ng driver sa truck. —LBG, GMA News