Itinuturing pinakamalaking breakthrough sa 21st century ang pagkalikha sa laboratoryo ng nuclear fusion energy, na itinatampok lamang noon sa superhero movies at iba pang sci-fi na pelikula.
Sa ulat ng Next Now, sinabing tagumpay ang mga siyentipiko matapos ang halos 60 taon nilang pag-aaral na makagawa ng nuclear fusion energy, na siyang energy source ng araw at mga bituin.
Kayang magpaandar ng malalaking industriya ang maliit na volume ng fusion energy, at carbon-free rin ito at posibleng maging sagot sa climate change.
Kung magagamit ang fusion energy sa komersyo, magkakaroon ng clean energy na sasapat sa mundo kahit pa umabot sa loob ng milyong taon.
"It also represents a much higher power density source compared to solar and wind. So for a small footprint you can generate a lot of power. This could be a useful for a lot of things that we might need to d o in the future, like desalination of water or even active removal of carbon dioxide from the atmosphere," sabi ni Troy Carter ng Plasma Science Institute.
Sa isinagawang eksperimento, nakagawa ang 3.5 megajoules ng enerhiya gamit ang laser na itinutok sa fuel target para pagsamahin ang dalawang atom.
Gayunman, maaaring abutin pa ng dekada bago maging commercially available ang fusion energy.
Kung matuloy, maisasakatuparan ang target na pag-decarbonize ng mundo. —LBG, GMA Integrated News
