Isa pang bangkay ang nakita mula sa gumuhong itinatayong hotel sa Barangay Balibago sa Angeles City, Pampanga nitong Huwebes ng gabi, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP) sa Central Luzon.
Sa social media post ng BFP, sinabing nakita ang bangkay sa Sector 1 dakong 9 p.m. nitong Huwebes, “and responders are now strategically exerting efforts to retrieve the victim."
"The Unified Command leaves no stone unturned as they continue with the Search, Rescue, Retrieval and clearing operation at the 9-storey collapsed building at Brgy. Balibago, Angeles City," ayon sa BFP Central Luzon.
Nitong Huwebes ng umaga, iniulat na umakyat na sa lima ang bilang ng mga kompirmadong namatay sa nangyaring pagguho.
Samantala, sinabi sa ulat ni Jamie Santos sa GMA News "Saksi," na nakikipag-ugnayan na ang may-ari at contractor ng gumuhong gusali sa mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng Angeles City.
Gumagamit na umano ang mga responder ng jack hammer sa isinagawang mapanganib na search, retrieval, rescue operations. — FRJ GMA News
