Kakaiba ang relaxing dinner na isinagawa para sa mga kababaihan sa Fude Breathwork Experience sa New York, Amerika, dahil ang lahat ng guests ay nakahubad.

Sa ulat ni Bam Alegre sa Unang Balita nitong Biyernes, sinabing makapagre-relax ang mga dumalo sa pamamagitan ng breathing exercises.

Layon ng aktibidad na madama ng guests ang kanilang “most pure, authentic selves.”

Sinimulan ng organizer noong 2020 ang Fude Breathwork Experience, at idinaraos na rin ito ngayon sa Los Angeles. —Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News