Nararanasan na ang malakas na ulan at hangin sa Guam dahil sa hagupit ng bagyong Mawar.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, makikita ang pananalasa ng bagyo sa ilang lugar sa naturang bansa.

Nauna nang nagbabala ang mga awtoridad tungkol sa super typhoon na posibleng tumama sa isla sa Pacific.

Pinalikas na ang mga residenteng nakapwesto sa mabababang lugar at posibleng bahain.

 

—Jamil Santos/LBG, GMA Integrated News