Natagpuan ang isang sawa na mahigit limang talampakan ang haba sa nakaparadang SUV sa Dipolog, Zamboanga del Norte. Ang isang lalaki, natuklaw.Sa ulat ng GMA Regional TV, na iniulat din sa Unang balita nitong Miyerkoles, sinabing nagtulong-tulong ang mga residente na hilahin ang sawa mula sa sasakyan.Isinugod ang natuklaw na lalaki sa ospital.Nai-turn over naman ang sawa sa mga awtoridad.Sinabi ng Department of Environment and Natural Resources Region IX na posibleng naghahanap ng malamig na lugar ang ahas. —Jamil Santos/ VAL, GMA Integrated News