Kanselado ang klase sa ilang bahagi ng bansa sa Biyernes, July 25, 2025, dahil sa epekto ng mga bagyong Dante at Emong, at ng Habagat.
Base sa anunsiyo ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla nitong Huwebes ng hapon, walang pasok sa paaralan sa lahat ng antas, pribado at publiko, maging sa Tesda learners.
"Ang lahat ng antas ng mag-aaral ay kasama, pati na ang TESDA learners. Wala din pasok ang government offices. Pero ang government frontline workers ay may pasok. Yung iba ay may hybrid system in place, according to their respective agencies," saad sa anunsiyo.
- Metro Manila
- Bataan
- Benguet
- Ilocos Sur
- La Union
- Occidental Mindoro
- Pangasinan
- Zambales
- Abra
- Batangas
- Cavite
- Ifugao
- Ilocos Norte
- Laguna
- Mountain Province
- Pampanga
- Tarlac
- Albay
- Apayao
- Aurora
- Bulacan
- Cagayan
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Isabela
- Kalinga
- Marinduque
- Nueva Ecija
- Nueva Vizcaya
- Oriental Mindoro
- Palawan
- Quezon
- Quirino
- Rizal
- Romblon
I-refresh ang page para sa update. —FRJ GMA Integrated News

