Sa ulat ni Allan Gatus ng Super Radyo dzBB sa GMA News Unang Balita nitong Huwebes, sinabing ikinatuwa ng mga tsuper sa kanilang terminal sa Old Capitol Site sa Quezon City ang magandang balita.
Inanunsyo ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., na sisimulan na ang pagbebenta ng P20 kada kilo ng bigas sa sector ng mga tricycle driver.
Sinabi ng ilang tricycle driver na malaki ang kanilang matitipid lalo’t hindi kalakihan ang kanilang kinikita sa pagpasada ng tricycle.
Sa kasalukuyan, mahal ang nabibili nilang bigas sa palengke na kadalasan ay umaabot ng P50 kada kilo.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng DA sa Department of Transportation para matukoy na ang mga benepisyaryo.
Sa ngayon, lima ang tinukoy na pilot areas para sa pagsisimula ng bentahan ng burang bigas.—Jamil Santos/FRJ GMA Integrated News
