Tatlong kompanya ng langis ang nag-anunsyo ng taas-presyo sa diesel sa Martes, March 31, 2026. Pero ang isa sa kanila, hindi naman gagalaw ang presyo ng gasolina.

Sa ulat ni Nimfa Ravelo sa Super Radyo dzBB nitong Lunes, inihayag na ang mga kompanya na nag-anunsyo ng bagong galaw ng produktong petrolyo ay ang:

Petro Gazz

  • Gasoline: + P2.50
  • Diesel: + P12.50

Seaoil Philippines Corp.

  • Gasoline: walang galaw
  • Diesel: + P12.50 per liter
  • Kerosene: + P2.00 per liter

Unioil Petroleum Philippines Corp.

  • Gasoline: + P2.50 per liter
  • Diesel: + P12.50 per liter

Epektibo ang bagong presyo ng mga produktong petrolyo sa Martes ng umaga. Wala pang anunsyo ang ibang kompanya ng langis.

Nitong nakaraang mga linggo, nagkaroon ng malakihang-taas sa presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa kaguluhan sa Middle East, partikular sa pagsasara ng Strait of Hormuz, ang daanan ng mga barko na may kargang mga krudong patungo sa iba’t ibang bansa. —FRJ GMA Integrated News