Isang motorcycle rider ang nagtamo ng mga sugat matapos siyang bumangga sa isang pumpcrete machine na hinihila ng isang truck sa Quezon City.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Biyernes, sinabi ng driver ng truck na nag-u-turn ang motorsiklo sa Quezon Avenue bago sumalpok sa likurang bahagi ng pumpcrete machine pasado 1 a.m.
Tumilapon sa lakas ng impact ang rider, na dinala sa ospital.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. – Jamil Santos/FRJ GMA News
