Isang babaeng senior citizen na nakasakay sa sidecar ng motorsiklo ang nasawi matapos makabanggaan nila ang isang mixer truck sa Pinamungajan, Cebu. Sugatan din ang anak ng biktima na siyang nagmamaneho ng motorsiklo.
Sa ulat ng GMA News Unang Balita nitong Biyernes, lumabas sa imbestigasyon na minamaneho ng anak na lalaki ng biktima ang motorsiklo na papuntang Barangay Poblacion.
Patungo naman sa Barangay Lamak ang mixer truck nang bigla umanong sumulpot ang sidecar sa linya ng truck kaya nagkasalpukan ang dalawang sasakyan.
Dinala ang senior citizen sa ospital pero idineklarang dead on arrival.
Sugatan na naman ang kaniyang anak na natuklasang walang lisensiya para magmaneho.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver ng mixer truck na walang pahayag. – Jamil Santos/FRJ GMA News
