Inihayag ni Kris Aquino na umaasa siyang aabot siya sa edad na 60 sa kaniyang pagninilay tungkol sa kaniyang buhay at pamamaalam sa gitna ng hamon sa kaniyang kalusugan.
Sa kaniyang guesting sa "Fast Talk With Boy Abunda," sinabi ng Queen of All Media na handa na siya sa anumang mangyayari sa kaniya.
"Mas natanggap ko na there is a beginning and an end. And mas kaya kong harapin na when I sleep, I may not wake up," sabi ni Kris.
"That's a reality that not many people have to face on a nightly basis. But for me, tanggap na tanggap ko na ‘yon," dagdag niya.
Edad 55 na si Kris ngayong taon.
Hiling ni Kris na kung mangyari man iyon, wala sana sa kaniyang tabi si Bimby.
“This has been going on with me for five and a half years. And that's, for someone as young as him, that's too much. So ako talaga, sana when it’s time, I don’t want to die at home, I would like to be in a hospital,” sabi ni Kris.
Inilahad pa ng Queen of All Media ang kaniyang panalangin, “I hope to make it to 60.”
Inihayag pa ni Kris na gusto niya ring magkaroon ng reunion project kasama si Tito Boy.
"I feel that maybe I'm praying too, or maybe it's about time. That in 2027, the two of us, whether it's just a special, whether we will have our own podcast, we will be together again," sabi ni Kris.
Nagbigay ng update si Kris tungkol sa kaniyang kalusugan, na inilahad na dalawa sa kaniyang major organs ang nangangailangan ng mas maraming atensyong medikal habang patuloy siyang nakikipaglaban sa autoimmune diseases.
Sa kabila ng kaniyang mga hamon sa kalusugan, nanatiling umaasa si Kris at nagpasalamat sa lahat ng patuloy na nananalangin para sa kaniya at sa kaniyang pamilya.
Muling nagkasama sina Kris at Tito Boy para sa isang two-part television special bilang bahagi ng isang linggong selebrasyon ng kaarawan ni Tito Boy sa "Fast Talk with Boy Abunda."—Jamil Santos/FRJ GMA News
