Pumanaw sa edad na 86 si Patrick Stewart, na sumikat bilang si Captain Jean-Luc Picard sa "Star Trek: The Next Generation" at ang telepath na si Professor Charles Xavier sa "X-Men" movies.
Batay sa ulat ng Reuters, pumanaw si Stewart sa kaniyang tahanan sa Los Angeles, ayon sa isang pahayag sa kaniyang X account.
"We announce with great sorrow the passing of Sir Patrick Stewart yesterday at his home in Los Angeles, in the loving care of his beloved wife Sunny following a brief and poignant journey with Alzheimer's Disease and Lewy Body Dementia," sabi sa pahayag.
Nagsimulang maging aktor si Stewart sa edad na 18 at nakakuha ng pagkilala sa entablado bilang miyembro ng Royal Shakespeare Company simula noong dekada 1960.
Ngunit matapos siyang matanggap sa edad na 47 para sa “Star Trek: The Next Generation,” na isang TV series na ipinalabas mula 1987 hanggang 1994 bilang karugtong ng orihinal na "Star Trek" noong dekada 1960, saka siya sumikat sa publiko at umarte hanggang sa kaniyang edad na 80.
“Make it so” o "Engage" ang madalas sabihin ng karakter niyang si Picard, habang nag-uutos sa alagad nito.
Isa itong role na pinag-isipan niyang gawin kahit matapos siyang payuhan ng kaniyang matagal nang kaibigan at kapwa Shakespearean na si Ian McKellen na tanggihan ang "Star Trek" at manatili sa teatro.
Kalaunan, tinanggap ni Stewart ang role, at naging isang fan favorite at mahalagang bahagi ng isang mahalagang sci-fi franchise, kung saan gumanap siya bilang Picard hindi lamang sa 176 na episode sa loob ng pitong season, kundi pati na rin sa ilang pelikulang "Star Trek" at sa mga sumunod na streaming series na "Star Trek: Picard" na nagsimulang ipalabas noong 2020 noong 79 anyos na siya.
"As the seven seasons of TNG ("The Next Generation") went by, the distinction between Jean-Luc Picard and Patrick Stewart became thinner and thinner, until it was impossible for me to know where he left off and I began. So much of what I believed and felt went into that show," sabi ni Stewart sa Guardian newspaper noong 2022.
[[ Si Stewart, na ginawaran ng karangalan bilang kabalyero noong 2010 ni Reyna Elizabeth II dahil sa kaniyang mga kontribusyon sa drama, ay ]]
Tumanggi rin noong una si Stewart na mapiling gumanap bilang si Professor X, ang mutant na sumaasakay sa wheelchair sa mga pelikulang "X-Men," na hango sa sikat na Marvel comic book character.
"I said, 'Look, I know this isn't science fiction, but it's fantasy, and I've done that.' But they persuaded me that it wouldn't be like 'Star Trek,' so I did it. And yet again I was proved wrong," sabi ni Stewart sa Guardian.
Naging mahalagang bahagi siya ng isa na namang malaking franchise, simula sa unang entry na "X-Men" noong 2000 at sinundan ng ilan pang mga pelikula.
Ipinanganak si Stewart noong Hulyo 13, 1940, sa bayan ng Mirfield sa Yorkshire sa Inglatera. Lumaki siya sa kahirapan, kasama ang isang ama na ayon sa kaniya, bumalik mula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig na lulong sa alak na dumanas ng post-traumatic stress syndrome at pisikal na inabuso ang kaniyang ina. Inalala ni Stewart na iniharang niya ang kaniyang katawan sa pagitan ng kaniyang ama at ina para protektahan ito.
Kuwento ni Stewart na noong bata pa siya, naging isang "safe space" ang pag-arte matapos ipakilala sa kaniya ng isang guro si Shakespeare — partikular na ang "The Merchant of Venice" — sa isang klase noong 12 pa lamang siya. Nagsimula siyang malagasan ng buhok sa edad 17 at naging kalbo pagsapit ng 19. Nahiya man noong panahong iyon, ngunit tinanggap niya rin ito kalaunan.
Inalala ni Stewart na medyo masyado siyang seryoso sa mga kasamahan niya sa “Star Trek” cast noong una.
"I tell the story of calling a meeting of my principal fellow cast members and telling them that I thought we were not disciplined enough, that we should not be fooling about on the set as much as we were but taking everything seriously," sabi ni Stewart sa New Yorker noong 2023.
"And one of the cast members said, 'Oh, come on, Patrick, we've got to have some fun.' And I thumped the chair and said, 'We are not here to have fun' - which they have never let me forget. They taught me so much about loosening up and being freer," dagdag ni Stewart.
Kinilala siya bilang si Sir Patrick Stewart noong gawing siyang kabalyero ni Queen Elizabeth II sa Buckingham Palace noong 2010. Sinabi niya sa mga reporter na paborito niyang mga bayani ang mga British actor na na sina Laurence Olivier, John Gielgud at Alec Guinness, na ginawaran din ng pagiging kabalyero, at idinagdag na ang mapabilang "in that company is the grandest thing that has professionally happened to me."
Ikinasal si Stewart ng tatlong beses at nagkaroon ng dalawang anak. Ikatlo niyang kasal, noong 2013, sa American musician na si Sunny Ozell. –isinalin mula sa ulat ng Reuters ni Jamil Santos/NB GMA News

