Mariing itinanggi ni Ariella Arida ang balitang nagkaroon sila noon ng romantic relationship ng Wowowin host na si Willie Revillame.

“Grabe naman! Wow, hindi naman!” bulalas ng Miss Universe 2013 3rd runner-up.
Dagdag pa niya, “Kuya nga ang tawag sa kanya.”

Sinabi ni Ariella na ang staff ng Wowowin at hindi lamang siya ang nakatanggap ng mamahaling bag mula kay Willie.

“Sana nga, di ba, may pa-Hermes?

“Ano naman, hindi lang sa akin, sa lahat sa amin.

"Kasi si Kuya, kapag natutuwa siya, halimbawa, okey ang mga ginagawa namin, performance, basta napi-feel niya, parang pinaka-bonus niya sa amin.

“Pero hindi lang ako, lahat kami, and mostly mas masaya buong staff, isinasama niya… mga free shopping.”

Patuloy niya, “Si Hermes, naghihintay pa, pero hindi ko alam kung kanino.

“Ang alam ko kasi, si Kuya, mahilig siya mamili ng ganoon, inireregalo niya sa mga friends niya.

“Nabigyan niya ako [ng Louis Vuitton bag], pare-pareho kami ng level.

“Okey si Kuya sa akin, sa staff, saka alam din niya na I' m happy.”

Inamin ni Ariella na may boyfriend siyang walang kinalaman sa showbiz, at alam daw ito ni Willie.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ariella nang ipakilala siya bilang celebrity endorser ng Cosmo Skin GSE (Grape Seed Extract), isang klase ng dark spots corrector, nitong Biyernes, June 9. -- For the full story, visit PEP.ph