Matapos makapasok sa listahan ng hottest hunks ng Cosmo-Men, ibinahagi ng mga Kapuso stars Jay Arcilla, Addy Raj, at Yasser Marta ang kanilang fitness routine.

Ayon sa report ng Balitanghali nitong Sabado, "proper diet" ang nakatulong kay Jay upang ma-achieve ang kaniyang abs.

Si Addy naman, araw-araw ang workout at iniiwasan ang carbs upang gumanda ang katawan.

May tatlong susi naman sa tikas ni Yasser: Balanced food, exercise, at pahinga.

Kasama rin sa listahan ng hottest hunks si Phytos Ramirez at ang "pambansang abs" na si Jak Roberto. — AT, GMA News