Kitang-kita ang kagandahan ng soon-to-be mom na si Valerie "Bangs" Garcia Birchmore sa maternity shoot na ginawa ng Nice Print Photography, na makikita sa kanilang Instagram account.
Ikinasal ang artista sa kaniyang Filipino-British boyfriend na si Lloydi Birchmore nitong nakaraang Enero, isang taon matapos ang kanilang engagement.
Ibinahagi naman ni Bangs noong nakaraang Hunyo ang kaniyang pagdadalang-tao.
--FRJ/KVD, GMA News
