Dahil sa kaniyang kasipagan, napili ng programang 'Day-Off" ang mangga vendor na si Mang Reynato na bigyan ng bakasyon at ilang simpleng regalo. Pero sa kabila ng kasiyahan, hindi niya napigilan na maging emosyonal nang mapag-usapan ang kaniyang girlfriend na nangibang-bansa para magtrabaho. Panoorin ang kaniyang kuwento.

Pag-amin ni Mang Reynato, hindi naiiwasan na magkaroon sila ng pagtatalo ng kaniyang kasintahan. Pero umaasa siya na hindi magbabago ang kaniyang kasintahan at muli silang magkakasama pagbalik nito sa bansa.

Samantala, sinubukan naman nina Ken Chan at Janine Gutierrez na magtinda ng mangga kasama si Mang Reynato. Maubos kaya agad ang kanilang paninda?


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News