Marami ang nalungkot sa pagpanaw ng OPM legend na si Rico J. Puno, lalo pa't kilala rin siya sa kaniyang pagiging TV host at comedian.
Balikan ang ilan pang detalye tungkol kay Rico J., tulad ng ibig sabihin ng "J" sa kaniyang pangalan. Ilan ang kanyang naging chicks, at kung nasingitan nga ba niya ng "baby" ang national anthem.
Sa programang "Tonight With Arnold Clavio" na in-ere noong 2013, ikinuwento ni Rico J. na hindi niya inasahang tutubo ang kaniyang bigote, ngunit ganoon ang fashion noong araw kaya sinunod na rin niya ang uso.
Ayon din kay Rico J., wala siyang nagawa na pinagsisihan niya sa buhay. — Jamil Santos/ LDF, GMA News
