Marami ang humanga sa husay sa pagsasayaw ni Dante Gulapa, ang binansagang "Big Papa" ng netizens, nang mag-trending ang kaniyang bersyon ng “Kahit Ayaw Mo Na” dance challenge. Sa programang "Kapuso Mo, Jessica Soho," inamin ni Dante na dati siyang macho dancer at hindi raw niya ito ikinakahiya.

“Hindi po ako nahihiya na ganun kasi wala naman po akong ginagawa, nagsayaw lang naman ako. At saka, alam ko naman po kung ano 'yung bawal sa hindi,” sabi ni Dante na naka-dance showdown pa ang mga leading man ng "Toda One I Love" na sina Ruru Madrid at David Licauco.

Alamin ang kuwento ng kaniyang buhay sa video na ito at kung bakit nagpasya siya noon na itigil na ang pagsasayaw sa club. Tunghayan din ang ginawang paghahandog ng ilang kabataan ng awiting “Kahit Ayaw Mo Na,” sa kanilang kaibigan na maagang pumanaw dahil sa sakit.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News