Pumalag si Jessa Zaragoza sa mga basher ng kaniyang anak na si Jayda, na nakatanggap ng harassment sa Twitter.

Sa kaniyang Instagram account, idinetalye ni Jessa ang nangyari, kabilang na ang mga direct messages para kay Jayda na may pagmumura, pati na ang public tweet na may nakalagay na "Kill that girl" tungkol sa dalagita.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Pinag isipan ko muna ito ng ilang araw bago ko ito pinost.Di na nga lang sana,pero tuloy pa din kayo sa ginagawa nyo kay Jayda.Naisip ko,talagang sumobra sobra na kayo.Pinagpasensyahan na nga lang namin mag asawa yung mga kung ano anong pinapadala nyong direct msgs kay Jayda,below the belt na mga tira, pangungutya,ilang beses na din nakatanggap ng “P***ngina yung anak namin sainyo.Never namin minura ang anak namin.Pero kayo,wagas ang pagmumura nyo kay Jayda.Para bagang kayo ang nagpapakain sa anak namin.Ganun kalalakas ang luob nyong gumawa ng ganyan. I’d like to call your attention @iam_sandra08 (sa twitter,hindi sa IG) Itong tweet mo sa twitter sa account ng anak naming si @jayda, kausap mo ang kaibigan mo, si @nera22621829 .Mga iha, titigan nyo mabuti yung pictures na pinost ko. “Tweet” nyo yan sa anak namin,si jayda. @iam_sandra08 iha?sabi mo sa tweet “KILL THAT GIRL” . Tweet mo yan,although alam ko binura mo na.Ikaw ang nag tweet nyan. GUSTO MONG MAMATAY ANG ANAK NAMIN?O GUSTO MONG IPAPATAY? Iha? Alam ba ng mga magulang mo ang mga pinag gagawa mong ganito?! Di ba gaGraduate ka na? Alam ba ng iyong paAralan na ganito ka mag salita? Tweet mo ito iha, tweet na sinend mo sa “Nag iisa naming anak” si JAYDA. @iam_sandra08 Kayo ba ng iyong kaibigan na si @nera22621829,ay talagang wala ng kinatatakutan?kung di kayo takot sa mga magulang nyo, di na ba uso ang “DIYOS” sainyo??!! #Stopthiscyberbullying #notocyberbullying (SWIPE LEFT TO SEE ALL PICTURES)

A post shared by Jessa Zaragoza-Avanzado (@jessazaragoza) on

 

Ayon kay Jessa, binura na ng mga basher ang naturang tweet, pero nagpost siya ng screencap nito.

Sabi ni Jessa sa kaniyang post, pinag-isipan niya kung iko-call out niya ang mga basher, at napilitan na nga siyang gawin ito dahil sa patuloy pa ring messages kay Jayda.

"Pinagpasensyahan na nga lang namin mag asawa yung mga kung ano anong pinapadala nyong direct msgs kay Jayda, below the belt na mga tira, pangungutya, ilang beses na din nakatanggap ng “P***ngina yung anak namin sa inyo. Never namin minura ang anak namin. Pero kayo, wagas ang pagmumura nyo kay Jayda. Para bagang kayo ang nagpapakain sa anak namin," ayon pa kay Jessa.

Dagdag pa ng aktres, dapat daw itigil na ang cyberbullying. —JST, GMA News