Sa pagbati sa kaarawan ng kaniyang nobyo, ipinakita ng isang aktres na dating napapanood sa gag show na "Bubble Gang" ang kaniyang baby bump.

“Happy happy birthday baby @djsemerad,” saad ni Gwen Zamora sa kaniyang Instagram post kasama ang larawan ng kaniyang baby bump.

Si David o DJ Semerad  ay isang professional basketball player.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy happy birthday baby @djsemerad ????

A post shared by Gwen Zamora (@gwenzamora) on

 


Sa isang post ng pagbati sa DJ, nagpasalamat si Gwen sa magmamahal sa kaniya ng nobyo at mapalad daw siya at ang kanilang magiging anak.

"Wish you all the best baby, thank you for all the love, kindness and care you give, our future child and I are truly blessed to have you in our lives. I love you as big as the sky!!!," saad ng aktres.

 

 

Hindi malinaw kung kailan nagsimula ang relasyon nina Gwen at DJ pero noong nakaraang Nobyembre ay nag-post si Dj ng larawan nila ni Gwen na magkahawak ng kamay at may nakasaad na "Blessed."

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Blessed #DavidAndGwenStory

A post shared by David John Semerad (TWIN1) (@djsemerad) on

 

 

-- FRJ, GMA News