Ikinuwento ni Heart Evangelista ang kanyang paghanga sa isang pintor na si Larry Casinao na nagbebenta ng kanyang mga obra sa Jaro, Iloilo.

Ayon sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras ngayong Biyernes, naantig daw si Heart sa kwento ng buhay ng matandang pintor.

Ang kinikita kasi ni Mang Larry, ipinantututos sa asawang may sakit.

BASAHIN: Ilonggo artist, nagbebenta ng obra sa kalsada para sa dialysis ng misis

"I really want to help him or do something for him a little bit. It's really nice everyone on Twitter helped me find him."

Nakausap na raw ni Heart si Mang Larry at gusto rin daw niyang ma-meet siya personally.

Ngayon, ang dating nasa daan lang na exhibit ni Mang Larry, permanente nang naka-pwesto sa isang mall sa distrito ng Mandurriao.

"I'm just very happy that I was able to get a few of his paintings and I really want to gift them to special people on Christmas." —JST, GMA News