Overwhelmed si Kapuso comedy genius at direktor na si Michael V. nang panoorin ng Team "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang pelikula niyang "Family History" at makakuha ng papuri mula sa naturang award-winning magazine show.
Sa Facebook page ng "KMJS," pinangunahan ni GMA News Pillar Jessica Soho ang pasasalamat ng kanilang team sa "masterpiece" na proyekto ni Bitoy.
"Bitoy, nandito ang KMJS, nanuod kami ng 'Family History.' Salamat sa napakaganda mong pelikula," saad ni Jessica.
Tinugunan ito ni Bitoy ng isa ring pasasalamat sa suportang ipinakita ng KMJS.
OMG!
— Michael V. GMA ???????? (@michaelbitoygma) July 30, 2019
Ako ‘yung dapat mag-thank you dahil pinanood n’yo ‘yung project ko and yet eto kayong lahat, nagpapasalamat.
Team KMJS, mahal ko kayo 46 million times.
You are now a special part of my very own #FamilyHistory ???? https://t.co/gdop2W1pdv
Bago nito, sinuportahan din ng GMA News reporters, sa pangunguna ni Tita Mel Tiangco, ang "Family History." --Jamil Santos/FRJ, GMA News
