Bumaha ng luha sa "Wowowin" studio nang ikuwento ng batang contestant na si Enel ang hirap ng buhay ng kaniyang pamilyang nagtatanim ng gulay.

Kaarawan ni Enel noong Oktubre 8, ngunit wala silang panghanda ng pamilya kaya humiling siya kay Kuya Wil ng bike at cake.

Sa likod nito, ay nagtatanim ng gulay ang kaniyang tatay samantalang ibinebenta ng kaniyang ina ang ani sa palengke sa Batangas. Naglalakad din si Enel papasok sa paaralan na may layong dalawang kilometro.

Ikinuwento ng kaniyang inang si nanay Baby ang kabaitan ni Enel, na nagdadala sa kanila ng kape habang nagtatanim sila sa bukid, at pumapasok sa eskuwela kahit na wala itong baon at nakabota lang.

Kaya sa hirap ng buhay, hinangad ni Enel na makapunta sa "Wowowin" para manalo ng Mega Jackpot. Hindi na niya pinapasama ang kaniyang ina para makatipid sa pamasahe at sa halip ay kinabisado na niya ang numero ng kanilang bahay at mga kamag-anak para hindi siya mawala.

Panoorin ang madamdaming mensahe ni Enel at ng kaniyang pamilya sa isa't isa.--Jamil Santos/FRJ, GMA News