Inanunsyo nina Iya Villania at Drew Arellano na madadagdagan muli ang lumalaki nilang pamilya.

Ang magandang balita ay ibinahagi ng mag-asawa sa kanilang Youtube page na "Life with the Arellanos."

“It was supposed to be the usual opening of gifts on Christmas morning with the Villania Family in Australia but little did PAPADU know what surprise was in store for him! Best Christmas gift yet!,” saad sa caption ng video.

Sa video, ipinakikita ang pagbubukas nila ng mga regalo noong nagdiwang sila ng Pasko sa Australia, kasama ang pamilya ni Iya.

Makikita naman ang pagkagulat ni Drew sa magandang balita na buntis muli si Iya.

Dahil may dalawa nang anak na lalaki sina Drew at Iya, wish ng ina ng Kapuso host na maging babae naman ang bagong baby. --FRJ, GMA News