Inihayag ni Jeric Gonzales na pareho nilang gusto ni Klea Pineda na mag-level up na ang kanilang pagiging "special friends" pero may mga bagay daw na "pumipigil" sa kanila.

Sa panayam sa kaniya ng GMA News Online nitong Miyerkoles, natanong si Jeric kung ano ang recent discovery niya sa kaniyang leading lady sa Kapuso hit series na "Magkaagaw."

"Ang dami. She's a girl on fire. Sobrang 'pag gusto niya ang isang bagay talagang gagawin niya, hindi siya madaling sumuko na babae. Talagang palaban siya, fighter siya na woman. And sa working ethics naman niya, sobrang focused and professional, pero tatawa ka pa rin. Masaya," saad ni Jeric.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Happy hearts day ?

A post shared by Jeric Gonzales (@jericgonzales07) on

 

Iba na raw ang samahan nila ni Klea dahil pareho na rin silang nagsasabihan ng problema ng isa't isa.

"Masasabi ko na since ilang times na kaming nagka-work and ito 'yung pinakamalalim na pinagsamahan namin, pinagtrabahuhan namin, so iba na, iba na 'yung samahan namin ngayon, more than friends na special siya. Sabi ko sa kaniya 'Nandito lang ako palagi for you.' 'Pag may mga problema, text lang kami tapos 'pag nalulungkot, ganoon," sabi ni Jeric.

Masasabi rin ni Jeric na mas malalim na ang kanilang samahan ni Klea.

"Ngayon, updated kami eh, 'yung communication namin mas consistent, mas malalim. Then 'yung closeness namin sa set, 'yung sweetness namin, to support each other sa lahat ng scenes. 'Pag pagod na, 'yung care. So malayong malayo na. Kumbaga parang inspiration na namin 'yung isa't isa."

Dahil dito, natanong si Jeric kung bakit hindi pa niya opisyal na nililigawan si Klea gayong mayroon na silang malalim na pinagsamahan.

"Gusto ko, gusto niya rin. pero I think we've both ended up sa thinking na mas magandang mag-focus muna kami sa work, dito sa acting career. And she's young pa kasi, 20 pa lang siya," paliwanag ng aktor.

Naunawan daw ni Jeric na gusto munang mag-focus ni Klea sa career nito, pero handa raw siyang maghintay para sa dalaga.

"So 'yun 'yung discovery ko sa kaniya na, ang gusto talaga niya mag-focus dito and gusto niyang gumaling. Nandoon 'yung focus niya muna eh. So ako naman, naghihintay naman ako. Ganoon din naman 'yung goal ko, gusto kong gumaling, marami pa akong gustong gawin dito. Same kami. 'Yung hope naman, hindi naman nawawala na one day, puwede ko siyang ligawan," paliwanag ng aktor.

"'Yung state namin ngayon is happy kami, iba na 'yung closeness namin," sabi pa ni Jeric.--FRJ, GMA News