Maituturing ni Glaiza de Castro na "crash course" sa pagpapamilya ang pananatili sa tahanan sa gitna ng enhanced community quarantine dahil mas natutunan niya ang mga gawain sa  bahay.

Nag-post si Glaiza ng kaniyang paglalaba sa IG stories kamakailan, kaya may nagtanong na fan kung handa na raw ba siya sa pagpapamilya.

"G, handa ka na ba? Handa ka na ba magkapamilya?" tanong ng netizen.

"Itong quarantine na ito, para akong nag-crash course sa pagkakaroon ng pamilya," tugon naman ng aktres.

 

 

Napansin din ng isang fan na naka-shades pa si Glaiza habang naglalaba.

Biro naman ni Glaiza, "Sinubukan ko lang kung mas ma-e-enjoy ko ba yung pagkuskos kung naka-shades. Nag-work naman."

 

 

Maliban dito, makikita rin sa kaniyang IG na sinusubukan na rin ni Glaiza ang pagtatanim.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Learning how to plant with the master

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux) on

 

Gusto rin daw subukan ni Glaiza ang nauuso ngyaong paggamit ng unan o punda bilang damit.

 

 

--FRJ, GMA News