Nag-donate si Baeby Baste ng loot bags na naglalaman ng iba't ibang panangailangan para sa mga pulis na frontliners na nagpositibo sa COVID-19.

"1st BATCH.... for our Covid-19 positive PNP Frontliners sa Camp Crame... isa po dun si Papa Sol ko. Kaya po here's a little something for them para malaman nila kahit nasa isolation bldg. po sila, na they are loved and we are thankful for their service...."

Kasama ni Baste na nag-pack ang kaniyang Mommy Sheila at kapatid na si Samsam.

Bukod dito, nagsulat pa ang Eat Bulaga! Dabarkads ng "get well soon" letters para sa COVID-19 patients.

 

 

Nagparating naman ng panalangin ang netizens kay Baste para sa paggaling ng kaniyang ama.

Nasundan pa ang pagbibigay ni Baste para sa mga PNP at medical frontliners.

Sa Facebook page ng PNP, nakasaad na  77 sa kanilang mga tauhan ang nagpositibo sa virus, tatlo ang nasawi, at 12 naman ang gumaling.

 

--Jamil Santos/FRJ, GMA News