Inihayag ni Regine Tolentino na naging stressful ang panganganak niya kay Baby Rosie, lalo nang magkalagnat at pneumonia ang sanggol kaya kinailangan ma-confine at isailalim sa COVID-19 test.
"It was crazy because my due date was actually mid-March and I was telling my doctor nu'ng umpisa pa lang ng March, sabi ko 'Can we give birth na because I'm so scared.' We were so praning," kuwento ni Regine sa kaniyang panayam sa Unang Hirit.
"And then finally we gave birth on March 17 and it was just crazy in the hospital because everybody was so stressed out, pati kami praning kami sa lahat. I had a long labor of 26 hours," kuwento pa ng Kapuso dancer-celebrity mom.
Nauna nang sinabi ni Regine na nagkaroon ng lagnat at pneumonia ang bagong silang niyang anak. Dahil dito, kinailangang ipa-COVID-19 test si Baby Rosie.
"She was confined for 10 days, ako naman six days. After I was discharged, I'm going back to the hospital everyday to breastfeed," sabi ni Regine.
“Breastfeed was also stressful because of all the checkpoints and doon mismo sa hospital,” kuwento pa niya.
Magaling na si Baby Rosie, na nagbibigay ngayon ng kasiyahan sa kanilang pamilya.
"She is a sweet, sweet baby. Super lambing, super clingy. She is kind of a fierce one kasi she's got a temper and she turns 'Rosie' talaga all over."
Ikinuwento rin ni Regine kung bakit Rosie ang ipinangalan nila sa baby. Panoorin ang video.--FRJ, GMA News
