Nag-reunion ang mga original Sexbomb singers online at kinanta ang theme song ng kanilang dating drama series na "Daisy Siete," para sa frontliners.

Sa YouTube channel na "The Solinaps," mapapanood ang mini-reunion ng Sexbomb singers na sina Rochelle Pangilinan, Jopay Paguia, Monique Icban, Evette Pabalan, Izzy Trazona at Weng Ibarra.

Hindi rin nawala ang signature nilang sigaw na "Get Get Aw!" Alamin ang pinagkakaabalahan nila ngayong umiiral ang enhanced community quarantine at balikan ang kanilang mga pinagdaanan. Panoorin.


--Jamil Santos/FRJ, GMA News