Inihayag ni Alden Richards na kinokonsidera niya na maging bahagi ng Philippine Air Force. May mensahe rin siya para sa mga frontliner partikular sa mga health worker.

Sa kaniyang IG live na Kwentuhan at Kamustahan Tayo, inilahad ni Alden na nakatanggap siya ng imbitasyon mula sa naturang sangay ng militar.

"Actually, there was an invitation sent for me, and I'm really considering to be part of it," saad ni Alden bilang tugon sa isang nagtanong na follower niya sa Instagram.

"I'm just clearing things out with the management and siyempre it's the way of people who are really concerned sa Pilipinas and I want to be part of it. Inaayos na po 'yan, don't worry," saad pa ni Asia's Multimedia Star.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Thank you for joining me in my IG Live! Recording via bit.ly/2Sk0xyJ

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02) on

 

Ilang Kapuso actor na ang reservist sa militar tulad nina Dingdong Dantes, na isang Lieutenant Commander sa Philippine Navy, at si Rocco Nacino, na nasa Navy rin.

Sa naturang "kumustahan," nagbigay din ng mensahe si Alden sa mga frontliner, partikular ang mga medical at healthcare workers.

Pinasalamatan niya ang mga ito sa ginagawang sakripisyo para mailigtas ang mga tao.

"Siguro, kung wala yung frontliners at the moment, COVID would have taken 50 to 60 percent of the world. So it’s really them, we should really owe them a great sense of gratitude," saad niya.

“Sila talaga yung saving grace natin dito. So, all the love support and prayers, our thoughts our love is really with you guys. Maraming-maraming salamat po. Makakayanan din natin ito,” dagdag niya.

Hindi nakapagtataka kung maging malapit sa puso ni Alden ang mga healthworker dahil isang nurse na frontliner sa Amerika ang kaniyang kapatid.

Samantala, natanong din si Alden kung gagawa na rin ba siya ng kaniyang TikTok account.

"Ibibigay ko na lang sa tatay ko 'yun, hindi ko talaga kaya mag-TikTok. Siguro mag-TikTok ako kapag 'yung mga inspirational, madami kasi eh," anang aktor.

"Aside from being fun and creative sa TikTok, ang dami kong napapanood na inspirational TikToks and that's really on top of mind," saad niya.

Pagdating naman ni pagbi-vlog, sinabi ni Alden na kailangan pa ng konting push para gawin niya.

"Ang hirap ngayon. Number one, hindi ako marunong mag-edit, and number two, tamad talaga ako mag-video, tamad ako mag-post, tamad ako sa lahat. Siguro konting push pa, gagawin ko na," ani Alden.

Ipinasilip din ni Alden ang kaniyang kuwarto at koleksyon ng Iron Man figures, at ang quarantine OOTD.--FRJ, GMA News