Sa darating na Lunes, muling masusubaybayan ang nakakikilig na love story nina Cholo at Jodi sa Philippine adaptation ng hit Korean series na "Stairway To Heaven." Kasabay nito, tiyak na marami ang ma-LSS sa theme song nitong "Ang Pag-ibig Ko'y Pansinin."

Ang "Stairway To Heaven" ay pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos, at kasama rin sina TJ Trinidad, Glaiza De Casto, Jean Garcia, Jestoni Alarcon, at Sandy Andolong.

Gaganap na mga batang Cholo at Jodi sina Joshua Dionisio at Barbie Forteza.

Ang umawit ng theme song na si Faith Cuneta, ikinuwento kung gaano tumatak sa puso ng mga tao ang serye at theme song, maging sa ibang bansa.

"Kapag nagta-travel ako ng ibang bansa specially Asian, tapos Japan, talagang alam na alam nila yung 'Stairway To Heaven.' Even the theme song kahit yung Tagalog parang familiar na familiar even the local Japanese kaya nakakatuwa," kuwento niya.

Sa sobrang kasikatan ng kanta, ginawan pa ito ng parody version ni Michael V.

Mapapanood ang "Stairway To Heaven" simula sa May 18 sa ganap na 3:25 p.m. sa GMA Afternoon Prime. --FRJ, GMA News