Nanalo ng P20,000 ang isang caller sa "Tutok To Win" kahit pa nasungitan niya si Kuya Wil.

Hindi agad nabosesan ni Chie ng Las Pinas City na si Kuya Wil ang tumatawag, pero nang banggitin na ni Kuya Wil ang keyword na "show," nalaman na ng caller na ang Wowowin host pala ang kausap niya.

Naiyak naman si Chie sa tulong na ipinaabot sa kaniya, dahil isa siyang solo parent at walang trabaho. — DVM, GMA News