Nakalabas na ng ospital at nakauwi na ang "Eat Bulaga" dabarkads na si Ruby Rodriguez. Ilang araw na namalagi sa pagamutan ang TV host-actress matapos makaranas ng pananakit sa tiyan.

"Finally out of the hospital! Still need 2 weeks of meds but feeling so much better. All procedures [done]," sabi ni Ruby sa kaniyang Instagram post.

Umaasa naman siya na magiging maganda rin ang resulta ng kaniyang biopsy.

Sa kaniyang pag-uwi, sinalubong si Ruby ng isang "welcome home letter" mula sa kaniyang anak na si AJ, na ikinatuwa niya.

"Anyhoo, coming home to this posted on my bedroom door made me think 1000x on getting better," saad niya.

 

 

Bago nito, makikita sa isa pang nakaraang Instagram post ni Ruby ang pagpapagaling niya sa Manila Doctors Hospital.

Dito, kinamusta siya sa comments section ng dating Dabarkads na si Isabelle Daza.

"sup??!!!! Have my procedure tom sana putulin na stomach ko for me to be payat," pabirong tugon ni Ruby.

Tinugunan din ni Ruby ang isang fan na nagtanong sa kaniya.

"I have a mass in my stomach that needs to be [taken] out," anang EB Dabarkads.

 


--Jamil Santos/FRJ, GMA News