Sa pagbisita ni OPM legend na si Marco Sison sa "Wowowin-Tutol To Win," inihayag niya ang labis na paghanga kay Willie Revillame dahil sa ginagawa niyang pagtulong sa mga tao.

Ayon kay Marco, nakatitiyak siyang mananalo si Kuya Wil sa halalan kung tatakbo ito sa posisyon. Pero patuloy pa rin namang nakatutulong ang TV host sa ginagawa nitong pamimigay ng mga premyo sa tao.

Sambit ni Willie, nasa pulitiko kung nanaisin nitong maglingkod at tumulong sa mga tao o kung magpapayaman lang.

Aniya, ang mahalaga ay malinis umano ang adhikain at hangarin ng isang nagsisilbi sa bayan.

"Kung yumaman ka madadala mo ba sa libingan mo 'yan?," saad ni Kuya Wil.

"Sa ataul mo, pantalon mo, barong mo lang, baka wala ka pang brief, yun lang dala mo. Yung maiiwan mo hindi mo na alam," dagdag niya. 

Panoorin ang buong video.


--FRJ, GMA News