Muling magre-reunion ang barkada ng ’90s youth-oriented show na TGIS sa online sa “All Out Sundays.”

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News Weekend nitong Sabado, makikitang hindi pa rin nawawala ang kulitan nina Angelu de Leon, Michael Flores at Bernadette Allyson kahit bihirang magkita-kita ang magbabarkada.

Hindi na aniya nagbago ang kakulitan nila sa isa’t isa.

“25 years, grabe ang tanda niyo na! 25 years ago, mabait ako, sobrang shy type ako noon. Sa mga boys ako kaya ang pinaka-good boy nu’ng time na ’yun,” sabi ni Michael.

“Walang naniniwala sa kaniya na mabait siya,” natatawang sabi ni Angelu kay Michael.

“Kahit hindi kami nagkikita, when we see each other, masaya, parang kahapon lang,” ayon naman kay Bernadette Allyson.

Huling napanood sina Angelu at Michael kasama ang iba pang cast members ng TGIS sa Bawal Judgemental segment ng “Eat Bulaga.”

Muling mapapanood ang TGIS barkada sa All Out Sundays sa Linggo, kasama naman sina Bernadette at Red Sternberg, na naka-base na ngayon sa US.

Present din sina Bobby Andrews at Ciara Sotto.

“Kasi hindi ako nakasama sa Bawal Judgemental na ’yon,” sabi ni Bernadette.

“That’s right and we missed you there,” sabi ni Angelu kay Bernadette.

“I think mas maraming pasabog ngayon kasi nga mas kumpleto ang batch ng TGIS,” ayon kay Angelu. – Jamil Santos/RC, GMA News