Nasa kalagitnaan ng kaniyang biyahe sa Mindanao ang vlogger na si Sandy Jones Pilarca o mas kilala bilang si "Lost Juan" nang ideklara ang lockdown sa iba't ibang parte ng Pilipinas dahil sa COVID-19.

Kaya ang inaasahang exciting na travel adventure, naging malaking pagsubok sa kaniyang katatagan lalo pa nang unti-unti nang nauubos ang kaniyang pera at tuluyan nang ma-stranded sa Mindanao.

Tunghayan sa "Kapuso Mo, Jessica Soho," ang hamon na hinarap ni Lost Juan sa hindi niya malilimutang biyahe sa Mindanao, at ang mga aral na kaniyang natutunan sa mahabang panahon na pagkakawalay sa pamilya. Panoorin

--Jamil Santos/FRJ, GMA News