Makaraang kumpirmahin ang kanilang relasyon noong September 2019, sinabi ni Andrea Torres na handa na siyang lumagay sa tahimik kasama si Derek Ramsay. Nauna nang inihayag ng aktor na si Andrea na ang babaeng ihaharap niya sa altar.

Nagkakilala at nagkamabutihan sina Andrea at Derek sa GMA-7 primetime series na "The Better Woman"  na umere mula July hanggang September 2019.

Nitong Huwebes ng hapon, isa-isang sinagot ni Andrea ang mga tanong ng PEP.ph kung bakit sigurado na siya kay Derek.

Ayon kay Andrea, wala sa tagal ng relasyon ang basehan ng pagpapakasal.

“It’s really not about the length but the quality of the relationship that matters,” katwiran ni Andrea.

Hindi rin itinago ni Andrea ang kasiyahan sa sinabi ni Derek na siya na ang babaeng pakakasalan ng aktor.

“Siyempre masayang-masaya ako and flattered na marinig yun from him. Kasi, yun din ang pinagdarasal ko talaga," saad niya.

Sinabi rin ni Andrea na malaki ang tiwala niya kay Derek at mas mataas ang nararamdaman niyang "level of security" sa aktor kumpara sa nagdaan niyang mga nobyo.

Nang tanungin kung kailan siya magiging handang pakasalan si Derek, tugon ng aktres, “I’m ready.” --For the full story, visit PEP.ph