Tanggap daw ni Richard Gomez na darating ang araw na magkaka-nobyo at mag-aasawa ang kanyang unica hija na si Juliana Gomez. Kaya ngayon pa lang, pinapayuhan na raw ng aktor ang anak na piliing mabuti ang magiging asawa.

Si Juliana, 19-anyos, at second year college na sa pasukan, ay nag-iisang anak nina Richard at Lucy Torres.

Alkalde ngayon ng Ormoc City si Richard, habang kongresista naman sa Leyte si Lucy.

Hindi raw nagkukulang si Richard sa pagpapaalala kay Juliana pagdating sa usaping pag-ibig at relasyon.

“It’s a fact of life that, one day, meron talagang manliligaw sa kanya. It’s a fact of life, that maybe one of these days, she’ll just decide to settle down and get married,” saad ng actor-turned-politician nang sumalang sa Facebook Live interview sa RX 93.1 FM radio station kamakailan.

Pagdating sa pagpili ng mapapangasawa, payo umano ni Richard sa anak, "I always tell her, you really have to choose the person you want to marry, who’s going to make you happy.

“You choose somebody na you’re ready to wake up to every morning.”

Sa katunayan, ito rin daw ang payo ng alkalde sa kanyang mga kaibigang hindi pa ikinakasal.

Idinagdag din ni Richard na dapat ay buo ang loob at isipan kapag lalagay na sa tahimik.-- For the full story, visit PEP.ph