Labis ang naging tuwa ni Rodjun Cruz na makita niya sa sonogram ang unang baby nila ng asawa niyang si Dianne Medina.

Ipinasilip ni Rodjun sa Tiktok, na makikita rin sa kaniyang Instagram, ang sonogram images ng kanilang anak noong walong linggo pa lang ito.

“8weeks ka palang noong mga panahon na Ito anak ko! l love you so much! Bilis ng araw! Ilang months nalang at mahahadkan na kita. Excited na ako sobra! Hindi na ako maka Paghintay na makita, makasama, mahalikan At mayakap ka!” sabi ng caption ni Rodjun.

Napatunayan din ni Rodjun na ramdam na agad ng isang magulang ang pagmamahal sa anak kahit nasa sinapupunan pa lamang ito.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

8weeks ka palang noong mga panahon na Ito anak ko!?????????? l love you so much! Bilis ng araw! Ilang months nalang at mahahadkan na kita. Excited na ako sobra! Hindi na ako maka Paghintay na makita, makasama , mahalikan At mayakap ka! Totoo nga ang Sabi Nila kapag naging magulang Ka na kahit nasa tiyan Ka palang ng Mommy mo at unang heartbeat mo palang ang marinig namin sobrang mahal na mahal ka na agad namin at hindi na ma explain ang kaligyahan namin ng Mommy mo!???????????????? selfless at unconditional Love. Ngayon super inspired ako na Pag Butihin ang lahat ng Ginagawa ko dahil sa inyo ng Mommy mo. I promise to be the Best Dad for you. Ako ang Magiging Super Hero niyo ng Mommy Mo hehe! Thank you po talaga Lord for blessing me more than i deserve ????? #Answeredprayer Salute sa lahat ng mga magulang.??

A post shared by Rodjun Cruz Ilustre (@rodjuncruz) on

 

“Totoo nga ang Sabi Nila kapag naging magulang Ka na kahit nasa tiyan Ka palang ng Mommy mo at unang heartbeat mo palang ang marinig namin sobrang mahal na mahal ka na agad namin at hindi na ma explain ang kaligyahan namin ng Mommy mo! selfless at unconditional Love,” anang aktor.

Ayon pa kay Rodjun, “Ngayon super inspired ako na Pag Butihin ang lahat ng Ginagawa ko dahil sa inyo ng Mommy mo. I promise to be the Best Dad for you. Ako ang Magiging Super Hero niyo ng Mommy Mo hehe! Thank you po talaga Lord for blessing me more than i deserve #Answeredprayer Salute sa lahat ng mga magulang.”

Ikinasal sina Rodjun at Dianne Disyembre 21 noong nakaraang taon sa Manila Cathedral sa Intramuros, Manila.

Inanunsyo naman nila na magkakaanak na sila Easter Sunday nitong 2020. – Jamil Santos/RC, GMA News