Tinanggap ni Matteo Guidicelli ang imbitasyon ni Michael V. na mag-unbox sila ng PS5 matapos siyang maging usapan kamakailan dahil sa tila hindi maingat na pag-unbox niya ng PS4.

Sa kaniyang Tweet, ni-repost ni Matteo ang kuwelang edited photo na magkasama sila ni Kapuso comedy genius sa unboxing ng PlayStation 5.

"Anytime. Game on," tugon ng aktor.

"UH OH! Who’s down for this? Let’s do this @matteog!" pag-imbita ni Michael kay Matteo sa kaniyang Instagram.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

UH OH! Who’s down for this? Let’s do this @matteog !

A post shared by Michael V. ???????? (@michaelbitoy) on

 

Ilang netizens ang pumuna kay Matteo dahil sa ginawa niyang pagpunit ng box ng mamahaling PlayStation.

Inamin naman ni Matteo na wala pa siyang karanasan sa mga unboxing videos.

Kilala naman si Bitoy sa pagiging isang toy collector, na nagpo-post din ng pag-unbox ng kaniyang mga laruan sa kaniyang channel.

 

—LBG, GMA News