Proud na nagsulat ng appreciation post si Kiray Celis tungkol sa kasalukuyan niyang boyfriend na si Stephan Estopia, na inilarawan niyang "tamang tao" para sa kaniya. Kasabay dito, inamin din ng Kapuso comedianne na ipinagpalit siya ng dati niyang naging nobyo.

"Nung nagkakilala kami, parehas kaming wasak. Ako pinagpalit, siya niloko nang paulit-ulit," paglalahad ni Kiray sa Instagram, kung saan ipinakita nila ni Stephan ang bago nilang alagang aso na si Bianco.

Nang ipagpalit siya ng kaniyang ex, naging pare-pareho na raw ang tingin ni Kiray sa mga lalaki. Hanggang sa makilala niya si Stephan.

"Nung panahon na yun, pare-parehas na tingin ko sa mga lalaki--lahat manloloko. Walang hindi. Pero nung nakilala kita, lahat yun nagbago. Hindi naman pala lahat pare-pareho. Depende rin sa tao," ani Kiray.

"Siya naman ilang beses na nagbigay ng tiwala. Pero napunta lang sa wala. Dahil hindi na pagkakamali ang kasalanang paulit ulit na ginagawa. Ang tawag dun pananamantala. Wala kang awa sa taong walang ginawa kundi mahalin ka pero lagi mo lang binabalewala," pagpapatuloy ng aktres.

Tila naging malalim din ang pinaghugutan ni Kiray sa naging karanasan nila ni Stephan sa pag-ibig.

"Mga taong binuhos lahat, eh natapat sa mga taong hindi marunong makuntento at kahit anong gawin mo, hindi ka sapat. Na kahit kailan hindi ka magiging tama sakanila. Kasi hahapin nila lahat ng kulang mo sa iba," sabi niya.

"Dun namin napatunayan na kahit gaano mo kamahal ang isa tao, may hangganan pala. Magsasawa ka rin pala. Mapupuno ka rin pala. At dahil bilog ang mundo, pagkatapos naming masaktan at umiyak sa mga maling tao, yun pala yung tamang panahon para makilala mo yung taong swak para sayo," dagdag ni Kiray.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Nung nagkakilala kami, parehas kaming wasak. Ako pinagpalit. Siya niloko ng paulit ulit. Nung panahon na yun, pare parehas na tingin ko sa mga lalaki. Lahat manloloko. Walang hindi. Pero nung nakilala kita, lahat yun nagbago. Hindi naman pala lahat pare pareho. Depende rin sa tao. Siya naman ilang beses na nagbigay ng tiwala. Pero napunta lang sa wala. Dahil hindi na pagkakamali ang kasalanang paulit ulit na ginagawa. Ang tawag dun pananamantala. Wala kang awa sa taong walang ginawa kundi mahalin ka pero lagi mo lang binabalewala. Mga taong binuhos lahat, eh natapat sa mga taong hindi marunong makuntento at kahit anong gawin mo, hindi ka sapat. Na kahit kailan hindi ka magiging tama sakanila. Kasi hahapin nila lahat ng kulang mo sa iba. Dun namin napatunayan na kahit gaano mo kamahal ang isa tao, may hangganan pala. Magsasawa karin pala. Mapupuno karin pala.. At dahil bilog ang mundo, pagkatapos naming masaktan at umiyak sa mga maling tao, yun pala yung tamang panahon para makilala mo yung taong swak para sayo. Yung taong kagaya mo magmahal. Yung karapat dapat sa tiwala mo. Yung taong gagawin lahat, sumaya, ngumiti at tumawa ka lang ng totoo. Hindi man siya ang gumawa, pero yang nadurog mong puso, bubuoin yan ng walang kahirap hirap ng taong kaparehong mong kayang ibigay lahat. Yung hindi ka gagawang pangalawa. Hindi yung mag-away lang kayo, may kausap ng iba. At porket napunta ka sa maling tao. Hindi ibig sabihin nun, Maling tao na ulit ang mapupuntahan mo. Lahat ng iyak mo, mapapalitan ng iyak sa sobrang tawa. Lahat ng lungkot mo may kapalit na sobrang saya. Lahat ng paghihirap mo, mapapalitan ng ginhawa. kasi nga nasa tamang tao ka na. Kaya wag ka matakot magmahal ulit. Malay mo, SIYA NA TALAGA. ???????????? At etong pagmamahalan namin ay nagbunga. HAHAHAHAHAHA! Buong mundo, pinapakilala namin sainyo si BIANCO CELIS ESTOPIA!!! ????

A post shared by Johanna KIRAY Celis (@kiraycelis) on

 

"Yung taong kagaya mo magmahal. Yung karapat dapat sa tiwala mo. Yung taong gagawin lahat, sumaya, ngumiti at tumawa ka lang ng totoo."

Ayon pa kay Kiray, si Stephan daw ang muling bumuo ng kaniyang puso.

"Hindi man siya ang gumawa, pero yang nadurog mong puso, bubuoin yan ng walang kahirap hirap ng taong kaparehong mong kayang ibigay lahat. Yung hindi ka gagawang pangalawa. Hindi yung mag-away lang kayo, may kausap ng iba."

Payo naman ni Kiray sa mga heartbroken, "At porket napunta ka sa maling tao, hindi ibig sabihin nun maling tao na ulit ang mapupuntahan mo. Lahat ng iyak mo, mapapalitan ng iyak sa sobrang tawa. Lahat ng lungkot mo may kapalit na sobrang saya. Lahat ng paghihirap mo, mapapalitan ng ginhawa. Kasi nga nasa tamang tao ka na... Kaya 'wag kang matakot magmahal ulit. Malay mo, SIYA NA TALAGA," saad ni Kiray.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News