Ipinakita ni Ryza Cenon sa  kaniyang "before and after" Instagram post ang pagkakaroon niya ng baby bump.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Before & After ???????????????? ????: @nikogvillegas

A post shared by Ms. Ryza Cenon (@iamryzacenon) on

 

Pinaghahandaan na ni Ryza ang pagkakaroon ng anak dahil sa isa pa niyang post, makikita ang isang sonogram kasama ang mga damit at kagamitan na pang-baby.

 

Naka-tag si Miguel Antonio Cruz  na siyang ama ng kaniyang ipinagbubuntis, sa mga larawang naka-post.

Sa ulat ng pep.ph, si Miguel ang kasalukuyang boyfriend ni Ryza, isang cinematographer mula sa Bacolod City na naka-base ngayon sa Manila.

Sinadya raw ni Ryza na hindi ipaalam sa publiko ang bago niyang relasyon, dahil isang pribadong tao lang din si Miguel.

Pitong buwan aniyang niligawan ni Miguel ang aktres, ayon sa ulat. —LBG, GMA News