May naalalang pamahiin si Sanya Lopez na kaniya raw nagawa noong bata pa siya at bigla niyang naisip na baka ito ang dahilan kaya hanggang ngayon ay wala pa rin siyang nobyo.

Sa "ArtisTambayan," nag-reunion ang "Encantadia" stars na sina Sanya, Gabbi Garcia, Kylie Padilla, Ruru Madrid at Mikee Quintos, at sumalang sa quiz tungkol sa mga pamahiin.

WATCH: Kuya Wil, tila natigilan sa sagot ni Sanya Lopez na: 'Pangarap ko sa buhay ko, ikaw lang'

Ang tanong: "Sa mga pamahain, magiging single ka habambuhay kapag ginawa mo ito habang nagluluto."

Sa kanilang lima, tanging ang "no boyfriend since birth" na si Sanya ang nakasagot nang tama. Habang natatawa naman si Ruru sa kaniyang sagot na, "nakahubad."
Pero ano nga ba ang tamang sagot ni Sanya at paano niya ito nalaman? Panoorin ang video.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News