Sa kanilang latest YouTube video, naglaro ng "Truth Or Dare" ang mag-asawang Joyce Pring at Juancho Trivino, kung saan inamin ng Kapuso host na may katrabaho ang aktor na pinagselosan niya. Alamin kung bakit.

Ayon sa Kapuso couple, bago nila gawin ang "Truth Or Dare" game ay nagtanong na sila sa kanilang followers kung ano ang nais nilang maging tanong sa gagawin nilang vlog.

Naunang nagtanong si Juancho at dito na nga napag-usapan kung may pinagselosan noon si Joyce sa kaniyang mga nakatrabaho.

"Yes," sabi ni Joyce at sinundan ni Juancho ng tanong kung bakit.

"Because this particular co-actor that Juancho had, he used to have a crush on and they actually went out for a bit. So, I did," paliwanag ni Joyce.

Natawang nagulat na lang si Juancho pero hindi na nila binanggit kung sino ang naturang katrabaho ng aktor.

Samantala, tinanong naman ni Joyce ang kaniyang mister kung mayroon ba itong inistalk [stalk] na ex-girlfriend nang panahon na nagdi-date sila. Panoorin ang sagot ni Juancho at pagpa-prank ni Joyce sa kaniyang kaibigan.


--FRJ, GMA News