Para sa tatlong anak, gagawin ni Joan ang lahat kahit pa ang mabigat na trabahong construction worker para matustusan ang pangangailangan ng tatlo niyang anak. Ginawa niya matapos mawalan ng trabaho at ma-lockdown sa malayong lugar ang kaniyang mister.

Kahit mahirap ang trabaho, umuuwi ng bahay si Joan kapag breaktime para naman asikasuhin ang mga anak at tiyakin na makakain sila ng tanghalian.

"Kumbaga sa araw-araw na ginagawa ko, nakasanayan ko na rin po na trabaho tapos intindi sa bahay. Pagsasabayin ko po yung ganon… mag-aasikaso sa bahay bago umalis," saad niya.

"Tapos sa tangahli kailangan ko pong umuwi para maasikaso ang mga anak ko. Kaya kailangan ko umuwi ng tanghali para masiguradong makakakain ang mga anak ko.," dagdag ni Joan.

Tunghayan sa nagbabalik na programa ng GMA na "Wish Ko Lang" ni Vicky Morales, ang kuwento ni Joan, na isang ulirang ina at asawa.

Panoorin ang video at alam kung ano-ano ang naging handog ng programa para kina Joan, at ang sorpresang pagbabalik ng kanilang ama matapos na ilang buwan mawalay sa kanila.

--FRJ, GMA News