Napaisip ang netizens sa tila optical illusion na family photo nina Solenn Heusaff, Nico Bolzico, at baby Thylane na ibinahagi ni Solenn.

Bukod sa larawan ng masaya nilang pamilya kasama ang fur baby nila na si Pochola, kapansin-pansin din na tila naging pambabae na ang legs ni Nico.

Wala rin pang-ibaba si Nico sa unang tingin.

Gayunman, tumugma lang ang pulang shirt ni Nico sa pulang shorts ni Solenn kaya aakalaing naging binti na ni Solenn ang binti ni Nico.

 

 

Sa ngayon, meron nang higit 290,000 likes ang photo ng Bolzico family. – Jamil Santos/RC, GMA News