Naging creative ang "Mars Pa More" hosts na sina Iya Villania-Arellano at Camille Prats-Yambao sa pakikipagbonding sa kanilang mga anak para maaliw ang mga ito habang quarantine.

Si Camille, nakipagkulitan kay Nala sa messy paint play kung saan nagpalitan sila ng pintura sa kanilang mga mukha gamit ang mga kamay.

Si Iya naman, pinayagan sina Primo at Leon na tulungan siya sa pag-bake ng banana bread.

Panoorin ang bonding ng "Mars Pa More" mommies sa kanilang mga anak na puwedeng gawin sa ating mga bahay.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News