Ipinasilip ni Rodjun Cruz ang dreamhouse nila ni Dianne Medina sa programang "Mars Pa More!"

Kasabay nito, ipina-virtual feng shui na rin ng programa kay Johnson Chua ang bahay nina Rodjun at Dianne na kaagad na may napansin sa posisyon at harapan ng magandang bahay.

Ano kaya ang mga dapat na gawin ng mag-asawa upang mas maging masagana ang suwerteng dala ng kanilang bahay? Alamin sa video na ito.

--FRJ, GMA News